Tungkol sa OneAmerica
Ang OneAmerica® ang pinakamalaking organisasyong tagataguyod ng mga imigrant at refugee sa Estado ng Washington, na nagtatatag at nagtataguyod sa magkaka-ibang mga komunidad gaya ng mga Latino, Afrikano, at Asyano. Unang binansagang Hate Free Zone, ang OneAmerica ay tinatag kaagad pagkatapos ng Septiyenbre 11, 2001 para talakayin ang masasamang reaksyon, mga krimen ng kapootan, at disriminasyon laban sa mg komunidad ng mga imigrant na ibang kulay ang balat, lalo na ang mga Muslim, mga Arab American, mga East African, at mga South African.
Sa kasalukuyan, ang OneAmerica ay aktibong nangunguna sa mga koalisyon sa estado at sa bansa na pinaglalaban ang mga karapatan ng mga imigrant, edukasyon, mga katarungang pangkabuhayan at pangkapaligiran, mga karapatan sa pagboto, at ang integrasyon ng mga imigrant. Kami ay naniniwala na ang pagtatayo ng mga kilusang malawak ang pundasyon na pinamumunuan ng mga taong may kulay ang balat at ng kanilang mga kasapi at batay sa pag-organisa sa grassroots community ay lilikha ng isang lipunan na mas makatarungan, demokratiko, at magtulungin.
Ang Aming Pakay
Pinauunlad ng OneAmerica ang batayang mga prinsipyo ng demokrasya at katarungan sa lungsod, estado, at sa bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng kapangyarihan sa loob ng mga komunidad ng mga imigrant sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga importanteng kasapi.
Ang Aming Pananaw
Hinahangad ng OneAmerica ang isang mapayapang daigdig na nirerespeto ang mga karapatang pantao at dignidad, na kung saan kinikilala ng mga komunidad ang mga pagkakaiba at nagsasamang nagtutulungan para sa katarungan at pagkakapantay, na kung saan ang bawat tao ay nag-aambag para sa kabutihan ng lahat.
Ang Aming Pangako
Kami ay isang komunidad na tinatanggap ang lahat at maunawain, na nakatalagang maging isang organisasyong binubuo ng mga taong mula sa ibat-ibang etnisidad, ibat-ibang kultura, laban sa rasismo, isang organisasyon na binubuo ng mga taong mula sa ibat-ibang henerasyon na pinagtatanggol ang mga kahalagahang pantao at ang pagkakapantay ng mga lahi. Kami ay nakatalaga ring gamitin sa mabisang paraan ang aming mga kakayahan, ebalwahin ang aming trabaho, at matuto mula sa aming mga karanasan para laging maging mahusay.
Ang Aming Teorya ng Pagbabago
Ang aming teorya ng pagbabago ay nag-uumpisa sa pagsasaayos sa komunidad at pagkakabuti ng liderato sa mga komunidad ng mga imigrant at refugee na ibang kulay ang balat para lumikha ng lugar na sibil at pampulitika para sa aming grassroots leaders para kanilang hubugin at baguhin ang kritikal na mga pamamalakad, pagsasagawa, institusyon, at mga kilos na nakakaapekto sa kanilang mga buhay. Kinakausap namin ang grassroots leaders at mga miyembro sa tinatarget na lugar sa pamamagitan ng aming civic engagement model: pag-organisa, pagpapabuti ng liderato, naturalisasyon, pagrerehistro ng botante, edukasyon at pagboboto ng botante, pagkakaroon ng mga kandidatong hinihirang at binoboto sa katungkulan, at pamumuno ng mga taong ibang kulay ang balat.
Sinosoporta namin ang aming mga miyembro na mamuno sa mga estratehiko ng kampanya sa mga eleksyon ng lungsod, ng estado, at pambansa at dalhin – sa mga kampanyang ito ang kanilang mga kakayahan at kapasidad – nasa panahong analysis ng pamamalakad, estratehikong komunikasyon, karanasan sa politika at sa batasan. Nakatuon kami sa mga taktikang nagtatayo ng kapasidad ng aming grassroots leaders sa pamamagitan ng pangangampanya na kasama ang pagkilala ng isyu, pananaliksik at pag-analisa ng pamamalakad, tuluyang pagtataguyod at lobbying, mga petisyon at kaugnay na mga taktika ng grassroots lobbying, aksyon at pananagutan ng mga bumoboto.
Kontakin Kami
Lokasyon ng Opisina & Adres na Pinadadalhan ng Sulat:
OneAmerica
1225 S. Weller Street, Suite 430
Seattle, WA 98144
Telepono: 206-723-2203
Fax: 206-826-0423
info@weareoneamerica.org
Ang programang Washington New Americans ay isang samahan na di-pangnegosyo sa pagitan ng Estado ng Washington at ng OneAmerica na naghahandog ng libreng tulong sa mga legal na permanent resident para maging Mamamayan ng Estados Unidos. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang www.wanewamericans.org o mag- text o tawagan ang kanilang Hotline sa 206-926-3924.